Marcos papagaling na – Doc Zacate

Pagaling na umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa kontaminasyon nito sa COVID-19.

Ito ang inihayag ng lead physician ni Pangulong Marcos na si Dr. Samuel Zacate sa kanyang inilabas na medical bulletin ng Pangulo nitong pasado alas-sais ng gabi kahapon.

Ayon kay Dr. Zacate, walang lagnat at walang panghihina sa katawan ang Presidente at wala na rin itong ubo maliban sa pangangati at baradong ilong.

“He is still with no fever and body malaise. His cough disappeared but still with very mild nasal stuffiness and nasal itchiness, therefore additional medication were given to address his concern and all other medicines were advised to be continued,” ani Dr. Zacate.

Nasa ikatlong araw ng home isolation ang Pa­ngulo dahil sa COVID-19. (Aileen Taliping)

The post Marcos papagaling na – Doc Zacate first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments