Alden ‘di inokray asal sa abrod

NI:CRISTY S. FERMIN

Ang pinakamagandang promosyon ng kahit sinong personalidad ay ang sinasabi ng mga kababayan nating naeengkuwentro nila. Walang bayad ‘yon. Kusang-loob.

Bakit ba ikinakambal sa pangalan ni Alden Richards ang pagiging mabait at mapagkumbaba? Bakit walang kahit sinong namba-bash sa kanya kahit saan siya magpunta?

Napakahambol kasi ng sikat at guwapong aktor, hindi siya nagdadamot ng panahon sa kanyang mga tagahanga, marunong siyang magbalik ng sukli sa suportang ibinibigay sa kanya ng publiko.

Mismong kaibigan namin ang nagkuwento na nu’ng makita nila si Alden na kumakain sa isang Korean restaurant sa Amerika ay siya pa mismo ang lumapit sa ating mga kababayan.

“At kinausap pa niya kami, he gave us time, unlike nu’ng isang male personality na in-approach ng mga anak ko para magpa-picture, pumayag naman siya, pero parang galit siyang nagkamot ng ulo!” sabi ng aming kaibigan.

Sa Madrid, Spain ay natiyempuhan din ng mag-asawang Bryan at Jez, mga dumpster divers, si Sofia Andres. Sa tapat mismo ‘yon ng Hermes, nagsi-shopping ang aktres, nagtanong si Jez kung puwede ba nitong mayakap si Sofia?

Hindi lang tumango si Sofia, siya pa mismo ang lumapit kay Jez, hindi matapus-tapos ang kaligayahan ng ating kababayan sa pagyakap nito kay Sofia.

Sabi ni Jez, “Napakabait niya, tinanong ko lang siya, ‘Can I hug you?’ Siya pa ang lumapit sa akin, napakaganda niya!”
Walang presyo ang mga ganu’ng papuri sa mga personalidad. Kusang-loob ‘yon na ang pinag-ugatan ay ang kanilang ugali. Napakahalaga ng mga nagaganap sa likod ng mga camera, walang halong kaplastikan ang ganu’n, purong-purong nagsasalita sa kung ano talaga ang kanilang pagkatao.

Pagbabalik ng sukli sa puhunan ang masarap na itawag sa ginagawa ng mga artistang mapagpahalaga sa kanilang kapwa.

The post Alden ‘di inokray asal sa abrod first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments