Bagong DENR sec nanumpa kay Marcos

Pinanumpa na sa tungkulin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Ma. Antonia ‘Toni’ Yulo-Loyzaga bilang bagong kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ginanap ang oath taking ni Loyzaga sa Study Room ng Malacañang kahapon.

Si Loyzaga ay dating Chairperson ng International Advisory Board ng Manila Observatory kung saan isinulong nito ang scientific research sa climate change and disaster resilience.

Naging Executive Director si Loyzaga ng Manila Observatory at naging technical adviser ng Philippine Disaster Resilience Foundation.

Naging miyembro rin ang DENR secretary ng Senior Advisory Board ng General Staff College ng Armed Forces of the Philippines.

Kasama ni Loyzaga ang kanyang asawang dating basketbolista na si Chito Loyzaga at anak na babae nang manumpa. (Aileen Taliping)

The post Bagong DENR sec nanumpa kay Marcos first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments