1.6M AstraZeneca, Moderna bakuna pa-expire na

Nanawagan si GoNegosyo founder Joey Concepcion sa pamahalaan na payagan na ang mga taong magpa-second booster shot para hindi masayang ang 1.6 milyong dose ng AstraZeneca at Moderna na mapapaso sa darating na Agosto.

“We are looking at hundreds of millions that the private sector will lose because these vaccines are expiring,” sabi ni Concepcion sa Pandesal Forum kahapon.

Paliwanag ni Concepcion, sa bawat biniling bakuna ng pribadong sektor, tinatapatan nito ang inaambag sa pamahalaan para mas marami ang maturakan.

“That’s a lot of money, for every Astra we bought for $5, we donated $5 for every dose we bought,” sabi ni Concepcion. Sa halagang $5 bawat dose, ang 1.6 milyong dose ay nagkakahalagang $8 milyon o P448 milyon.

Dagdag pa ni Concepcion, naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19 ang karamihan sa private sector noong Enero at napapanahon nang turukan sila ng mga booster shot.

Aniya, nagbibigay na ng booster shots sa America sa mga taong edad 50 pataas at sa mga 60 pataas.

“Shouldn’t we follow what CDC (Center for Disease Control) is doing? That is where we are getting frustrated,” sabi ni Concepcion. (Eileen Mencias)

The post 1.6M AstraZeneca, Moderna bakuna pa-expire na first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments