Bagong kaso nasa 14K! COVID tuloy sa pagsirit

Umakyat pang lalo sa 13,818 ang aktibong kaso ng coronavirus sa bansa, ayon sa Department of Health.

Ito’y matapos madagdagan ng 2,018 bagong kaso kahapon.

Halos doble umano ito sa average na bilang ng nagkasakit mula Hunyo 27 hanggang Hulyo 3 na 1,057.

Patuloy na nangunguna sa mga rehiyon na may pinakamaraming COVID case ang Metro Manila sa 8,016 case; sumunod ang Calabarzon sa 3,536, at Western Visayas sa 1,535.

Samantala, numero uno naman ang Quezon City pagda¬ting sa mga lungsod na nagtala ng COVID case sa huling dalawang linggo sa 1,642; sumunod ang Cavite sa 1,257 at Maynila sa 1,035. (Issa Santiago)

The post Bagong kaso nasa 14K! COVID tuloy sa pagsirit first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments