Bebot binoga habang umuulan

Binawian ng buhay ang isang babae matapos pagbabarilin sa Commonwealth Avenue, Quezon City nitong Linggo.

Nahihirapan ngayong hanapin at kilalanin ng mga imbestigador ang suspek dahil naganap ang krimen habang umuulan.

Sa nakalap na impormasyon ng pulisya, sangkot umano sa pagbebenta ng iligal na droga ang biktima at nakulong na rin sa nasabing kaso.

Sa ngayon ay hawak na ng mga awtoridad ang cellphone ng biktima na sasailalim sa digital forensic upang makita ang mga transaksyon nito. (AMDJ)

The post Bebot binoga habang umuulan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments