Cruz wow nitong July 6-10

Nahanap na ni Jericho Cruz ang ritmo sa pangalawang conference sa San Miguel Beer.

Sa kabila ng star-studded lineup ng Beermen, nakapagpakitang-gilas pa rin ang 31-anyos na guard/forward.

Sa likod nina Cruz, June Mar Fajardo at CJ Perez, inekisan ng SMB ang 8-1 record sa PBA Philippine Cup elims para okupahan ang unahan ng standings.

Naglista si Cruz ng back-to-back career-best outings tungo sa average na 27.5 points mula 57 percent shooting sa dalawang panalo kontra TNT at Blackwater.

May palamuti pa siyang 3.5 rebounds at 3.5 assists para itanghal na unanimous choice bilang Cignal Play-PBA Press Corps Player of the Week ng July 6-10.

“I just tried to open up myself kapag dino-double si June Mar,” ani Cruz, tumagay ng career-high 30 points sa 115-99 panalo kontra Tropang Giga.

Sinundan ‘yun ng 9th pick overall noong 2014 ng 25-point output sa 110-107 overtime win sa Bossing noong Linggo. (Vladi Eduarte)

The post Cruz wow nitong July 6-10 first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments