DPWH, MMDA gigisahin sa pagbaha ng NCR

Naghain si Senador Ramon Bong Revilla Jr. ng isang resolusyon para siyasatin kung epektibo pa ba ang umiiral na flood control master plan ng pamahalaan, gayundin ang mga nakatenggang flood control project.

Ito’y kasunod nang naranasang matinding pagbaha sa Metro Manila nitong nagdaang mga araw matapos ang malakas na pagbuhos ng ulan na siyang dahilan na pagka-stranded ng mga commuter.

Ayon kay Revilla, hindi bago sa mga Pilipino ang makaranas ng pagbaha ngunit mas lumala ang problema sa paglipas ng mga taon, lalo na at nakararanas na ang bansa ng epekto ng climate change.

Dahil dito ay nais ni Revilla na magpaliwanag ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Metro Manila Development Authority (MMDA) at iba pang ahensiya ng pamahalaan na nagpapatupad ng ‘Flood Management Master Plan for Metro Manila and Surrounding Areas Project’ upang hindi na maulit ang biglaang pagbaha na naganap kamakailan. (Dindo Matining)

The post DPWH, MMDA gigisahin sa pagbaha ng NCR first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments