Endo wakasan na

Inihain ng Makabayan bloc sa Kamara ang panukalang tuluyan nang magbabawal sa anumang uri ng kontraktwalisasyon sa bansa.

Sa pangunguna ni Gabriela Rep. Arlene Brosas ay inihain ang House Bill 2173 o Pro-Worker Security of Tenure Act na layong ipagbawal ang job contracting, subcontracting, direct-hiring ng mga contractual, at paggamit ng labor cooperative.

Dapat alisin na ang sumpa ng kontraktwalisasyon at pairalin ang pagkakaroon ng regular na trabaho at security of tenure.

“Aabot sa hanggang P10 milyong multa o ‘di kaya ay 3 taon na pagkakulong ang parusa sa mga employer at contractor nito na magpapatupad ng iskemang kontraktwalisasyon. Kailangan nating ituring na krimen ang kontraktwalisasyon,” ayon pa kay Brosas. (Eralyn Prado/Billy Begas)

The post Endo wakasan na first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments