Kelot nagtimpla ng kape, nasabugan

Nasawi ang isang lalaking magtitimpla sana ng kape matapos masabugan sa Antipolo City nitong Linggo.

Ayon sa ulat ng Antipolo City Police, naganap ang insidente bandang alas-kuwatro ng madaling araw sa Sitio Binayuyo, Brgy. Calawis.

Sa salaysay, kauuwi lang ng biktima nang maisipang magtimpla ng kape para sana sa kanilang almusal. Nang kuhain na nito ang takure ng kumukulong tubig ay bigla na lamang may sumabog dahilan ng kanyang mga sugat sa katawan.

Isinugod agad sa ospital ang biktima ngunit idineklara nang patay.

Iniimbestigahan na ng awtoridad ang sanhi ng pagsabog. (AMDJ)

The post Kelot nagtimpla ng kape, nasabugan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments