LPA tengga ng 3 araw sa PAR

Mananatili sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) na namataan sa Catanduanes kung saan bagamat magdadala ito ng pag-uulan ay hindi naman magiging bagyo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon kay Pagasa weather specialist Aldczar Aurelio, sa loob ng 24-oras ay magdadala ng kalat-kalat na pag-uulan at thunderstorms ang LPA sa Visayas, Bicol Region, Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.

“According to our forecast track, the LPA may remain within PAR over the next three days but it is not likely to transform into a storm as it may eventually exit the country,” paliwanag ni Aurelio.

Apektado naman ng localized thunderstorms ang Metro Manila kaya asahan ang pag-uulan sa hapon at gabi. (Tina Mendoza)

The post LPA tengga ng 3 araw sa PAR first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments