Mga magsasaka bet maging techie ni ‘Pinuno’

Isang panukala ang inihain ni Senador Manuel ‘Lito’ Lapid na naglalayong palakasin ang ‘resiliency’ at ‘adaptability’ ng mga magsasakang sa climate change at bigyan ng access sa lokal na weather at climate information.

Ang panukala na kilala bilang ‘Climate-Resilient Agriculture Act’ ay isa sa unang limang bill na inihain ni Lapid nitong Hulyo 4, bilang bahagi ng kanyang mga priority bill sa Senado sa 19th Congress.

“Our Department of Agriculture (DA) must continuously look into innovative ideas and technologies, as well as the best practices, and determine which should be implemented to help our local farmers withstand the challenges brought about by climate change and weather disturbances,” saad pa niya.

Sa ilalim ng panukala, ang DA ang siyang gagawa ng crop climate calendars sa buong Pilpinas sa pakikipag-ugnayan ng mga mga municipal at provincial agriculturist. (Dindo Matining)

The post Mga magsasaka bet maging techie ni ‘Pinuno’ first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments