Patron ng mga dalagita at kabataan

Ipinagdiriwang nitong Hulyo 6 ang Pista ni Santa Maria Goretti. Si ‘Maria Teresa Goretti’ ay isang Italyanang birhen at martir ng Simbahang Katolika. Anak ng magsasakang sina Luis Goretti at Assunta Carlini, isinilang ang santa sa Corinaldo, Italy noong Oktubre 16, 1890.

Nang pumanaw ang kanyang ama, si Maria ang naatasang mangasiwa ng kanilang tahanan at mag-alaga sa kanyang bunsong kapatid na si Teresa habang nasa bukid ang ina at iba niyang mga kapatid. Dahil sa mga responsibilidad at gawain sa bahay hindi na nakapag-aral si Maria.

Isang araw, habang nasa kalapit-bahay ang kanyang ina si Maria, labindalawang talong gulang, ay naiwan sa bahay. Biglang umakyay si Alejandro Serenelli, dalawampung taong gulang na anak ng kanilang kasama sa pagbubukid. Tinawag niya si Maria, pilit na pinapapasok sa loob ng silid, at tinangkang halayin.

Sumigaw nang malakas si Maria kaya labing-apat na beses siyang pinagsasaksak ni Alejandro. Natagpuan siya ng kanyang inang nakahandusay sa sarling dugo. Sinugod siya sa ospita sa bayan ng Nettuno kung saan siya nilapatan ng unang lunas. Gayunman, sadyang napakalalim ng kanyang mga sugat kaya’t maliit lang ang posibilidad na siyang mabuhay.

Bago bawian ng hininga, nakatanggap pa rin si Maria ng Banal na Komunyon at nagwika, “Pinatatawad ko si Alejandro at nais ko rin siyang makasama sa Langit.” Sumalagit siya noong araw ding iyon. Nakulong si Alejandro at sa piitan ito’y lubos na nagsisi. Nang makalaya namasukang hardinero siya sa isang kumbento at namuhay nang tahimik at banal.

Taong 1950 nang nagdesisyon ang Iglesya gawing santa si Goretti. Parehong dumalo ang kanyang ina at si Alejandrosa kanonisasyon kung saan itinanghal siya ni Papa Pio XII bilang pintakasi ng mga dalagita at modernong kabataan. Sa makabagong panahon na hindi na pinapahalagahan ang kapurihan at kalınisan, nagsisilbing hamon ang halimbawa ni Santa Maria Goretti.

The post Patron ng mga dalagita at kabataan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments