Poe: Mga sinarang ruta buksan sa balik-eskuwela

Nanawagan ni Senadora Grace Poe sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na payagan nang makabiyahe ang public utility vehicles (PUVs) sa dating ruta bago magsimula ang pagbubukas ng klase para sa milyong estudyante sa Metro Manila.

Ayon kay Senadora Grace, ito ang nakikita niyang solusyon para maiwasan ang gulo ng mga mananakay sa oras na lumabas na sa kalye ang 28 milyong estudyante na makikipagsabayan pa sa milyong mga mangggaawa sa pagsakay ng pampublikong sasakyan.

“While there are buses deployed, they run only in main thoroughfares and do not service the secondary roads where residences are usually situated,” sabi ni Poe sa isang statement.

“We have had enough of scenes of dehumanizing conditions of commuters when they have to bear long lines, elbow their way to get inside a vehicle, stand up for hours in a bus or even hitch a ride,” dagdag pa niya. (Dindo Matining)

The post Poe: Mga sinarang ruta buksan sa balik-eskuwela first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments