US siningil ni Robin sa pramis

Walang basehan para kay Senador Robinhood Padilla ang pagharang ng Estados Unidos sa tulong sa Philippine National Police (PNP) dahil diumano’y paglabag ng institusyon sa karapatang pantao.

Sabi ni Padilla, siya’y naging saksi sa pagiging makatao hindi lang ng PNP kundi pati ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Una rito, isinulong ni Rep. Susan Wild (Pennsylvania) ng amendment sa US National Defense Authorization Act for 2023 kung saan ipinagbabawal ang pagbigay ng tulong sa PNP hangga’t mag-comply ito sa ilang ‘human rights requirements’.

Subalit giit ni Padilla, nangako ang US na nakasuporta sila sa Pilipinas noong dumalo siya sa Independence Day celebration ng US Embassy. (Dindo Matining)

The post US siningil ni Robin sa pramis first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments