Rollback pa more ikakasa sa mga produktong petrolyo

Magandang balita para sa mga motorista lalo na sa mga tsuper.

Magkakasa ng panibagong price rollback sa diesel at kerosene ang mga kompanya ng langis sa Martes, Hulyo 26.

Ito na ang ikaapat na sunod na linggo na nagbawas ng presyo ang mga kompanya ng langis sa kanilang mga produkto.

Inaasahang P1.80 ang bawas sa kada litro ng diesel habang P1.08 kada litro naman sa kerosene.

Nitong Martes lamang, Hulyo 19 ay nagkasa na ng P5 kada litrong kaltas sa presyo ng gasolina, P2 sa diesel at P0.70 sa kerosene ang mga kompanya ng langis. (Issa Santiago)

The post Rollback pa more ikakasa sa mga produktong petrolyo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments