Kinalampag ng mga opisyal at kawani ng Philippine Information Agency (PIA) ang MalacaƱang para igiit ang pagbaba sa puwesto ni PIA Director General Ramon Cualoping na muling nahirang sa puwesto sa ilalim ng Marcos Administration.
Sa inilabas na pahayag ng regional at division head ng PIA, kasama ang employees association ng ahensiya, iginiit nila na aksiyonan ang inihaing petisyon laban kay Cualoping III para bumaba ito sa puwesto.
Ayon kay Benjamin Felipe, dating PIA Deputy Director General na nagsilbi sa ilalim ng Duterte administration, siya ang namuno sa komite na nag-imbestiga sa mga reklamo ng mga PIA official laban kay Cualoping.
“I was the vice-chairman of this investigating committee, I know a lot of things that’s going on during the term of Cualoping because I was the Deputy,” ani Felipe.
May mga ebidensiya aniya kaugnay sa mga akusasyon laban kay Cualoping at hindi nila papayagang magpatuloy ito sa ilalim ng Marcos administration.
Batay sa reklamo ng mga nagpetisyon, inabuso umano ni Cualoping ang kanyang kapangyarihan at hindi nila papayagan na masalaula ang resources ng gobyerno dahil aa kapritso ng opisyal.
“But we draw the line when we see abuse of power and authority and unlawful practices that breed corruption. We will not close our eyes to misuse of government resources and brazen display of power. These are our non-negotiables” ang nakasaad sa pahayag ng mga opisyal at kawani ng PIA.
Sa petisyong isinumite ng mga opisyal at tauhan ng PIA kay Presidential Management Staff (PMS) Secretary Zenaida Angping, hiniling ng regional heads, division heads at PIA employees association na bawiin ang muling paghirang kay Cualoping dahil wala naman itong naging accomplishments sa ilalim ng Duterte administration.
Inisa-isa ng mga nagpetisyon ang mga dahilan kung bakit hindi karapat-dapat si Cualoping na manatili sa PIA dahil inabuso umano nito ang kanyang posisyon para sa kanyang mga kapritso at personal na interes gamit ang pondo ng PIA na nagdulot ng demoralisasyon sa ahensiya.
“The erratic moods ang sullen frame of mind of Mr. Cualoping where he prods amd nudges PIA central and regional offices to give in and provide for all his caprices and whims for personal interests and stake do not only cause divisions in the agency but promotes dispiritedness, dejection and demoralization,” anang petisyon.
Ang mga regional offices umano ng PIA ang sumasagot sa hotel accomodation ni Cualoping sa mga biyahe nito sa mga lalawigan , pati na ang renta ng mga ginamit na sasakyan, pati na ang mga pagkain, alak, sigarilyo at freebies.
Binigyang-diin ng mga nagpetisyong opisyal na walang nagawa si Cualoping at walang konkretong kontribusyon sa PIA.
“His schedules in the regional offices were masked with supposedly official agendas like meeting of staff among others just to appear official business but in reality, they were all concealment of his personal tours and trips festooned with splurges, extravagant amd wasteful expenditures for personal gains and agenda. (Aileen Taliping)
The post PIA chief pinalalayas ng mga opisyal, kawani sa Malacanang first appeared on Abante Tonite.
0 Comments