Sibakan sa gobyerno malabo pa – VP Sara

Bagama’t suportado ni Vice President Sara Duterte ang planong ‘rightsizing’ ng burukrasya ngunit hindi pa umano ito mangyayari sa ngayon.

“I don’t see it happening in the short term dahil mahirap po mag-rightsize ng buong government. Nahirapan nga kami sa doon sa LGU, all the more dito na buong national government,” ayon sa pangalawang pangulo.

Gayunpaman, paglilinaw ni Duterte, ang naturang plano o panukala ay isang tamang direksiyon para sa pamahalaang Marcos dahil ito’y magiging daan upang malaman kung kapaki-pakinabang pa ba o hindi ang mga posisyon sa mga ahensiya at tanggapan ng pamahalaan.

Maganda umano ang layunin ng panukala ngunit hindi naman ito maaaring gawin ng madalian.

“Hindi pa po ganyan ka-in depth ang discussion sa rightsizing. It was just initially sinabi ng pangulo na i-explore po para sa gobyerno,” dagdag ni Duterte. (Eralyn Prado)

The post Sibakan sa gobyerno malabo pa – VP Sara first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments