Umiskor na ng mga bakunang epektibo vs COVID variant

Umapela si dating Health Secretary at incumbent Iloilo Rep. Janette Garin sa gobyerno na ngayon pa lang ay makipag-usap na sa mga gumagawa ng bakuna na mas epektibo laban sa mga nauna at bagong variant ng COVID-19.

“Sa ngayon pa lang, we should already pre-order. Wala namang bayad ang magpalista. Huwag tayong magpahuli,” sabi ni Garin.

Batay sa nakalap na impormasyon ni Garin sa huling quarter ng taon ay posibleng maaari ng bumili ng bivalent o second generation COVID-19 vaccine.

“Ito po ‘yung pinaghalong bakuna na specific para sa Omicron at kasama pa itong original na bakuna kaya siya bivalent it is addressing the original variant and the Omicron variant,” dagdag pa ni Garin.

“Hindi tayo puwedeng magpahuli dahil kailangan nating gumalaw ang ekonomiya natin and we need to co-exist with the virus,” sabi ng lady solon. (Billy Begas)

The post Umiskor na ng mga bakunang epektibo vs COVID variant first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments