10 cong hinirit sa DOJ iatras kaso vs De Lima

Nagsama-sama ang 10 kongresista sa paghahain ng resolusyon na humihimiok sa Department of Justice (DOJ) na iatras ang nalalabing kasong isinampa nito kaban kay dating Sen. Leila de Lima.

Sa House Resolution 198, iginiit ng mga mamba­batas na umatras na ang mga pangunahing testigo sa kaso kaya dapat na itong iatras ng DOJ.

Ang resolusyon ay akda nina Representatives Raoul Manuel (Kabataan), France Castro (ACT Teachers), Arlene Brosas (Gabriela), Mujiv Hataman (Basilan), Gabriel Bordado (Camarines Sur), Edcel Lagman (Albay), Lorenz Defensor (Iloilo), Jonathan Keith Flores (Bukidnon), Sergio Dagooc (APEC), at Bienvenido Abante (Manila). (Billy Begas/Eralyn Prado)

The post 10 cong hinirit sa DOJ iatras kaso vs De Lima first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments