NI: ROLDAN CASTRO
Umabante na ang 7th Inding-Indie Film Festival (special edition) ngayong taon .
Nagkaroon ng press conference sa Red Hotel sa Cubao, Quezon City noong Linggo .
Ipinakilala ang mga baguhang artista ng inding indie management sa ilalim ng talent manager and direktor na si Ryan Manuel Favis.
Kabilang sa mga artists na ito ay sina
MJ Cardenas, Gian Maamo, Rex Gwangcha, Krysia Barela, Renzie Liboon, Kyle Maamo, Romenissa Pardilla, Kim EJ Maamo, Antonette Leviste, Michael Justine, Azaleia Viernes, Ron Medina, Jan Austin Gui, Jan Albert Gui, Paula Ronquilo Macels,Fitzerald Friginal Kalumbayan, Ysabella Orandain, Charice Anne Toradio, Jazhmine Escabusa, Criselle Alona Montanez, Benjamin Jacobos Gooijer, Princess Balbin at Clark Samartino.
Tampok din sa mga sumusuportang celebrity dito ay ang veteran actor na sina Pilar Pilapil, Lou Veloso, Archie Adamos, Jiro Manio.
Nakasama at naidirek nina Favis at Ron Sapinoso founder sa pelikulang “Moonlight Flowers” at ang huli nitong taon lang ay si Keanna Reeves sa pelikulang Elijah na pinagbidahan ni Rex Gwangcha.
Ang mga istorya na nakapaloob sa bawat pelikula ay may temang Biblical, buhay ng tao, pilosopikal at kultura na may sining. Sumasalamin sa kasaysayan ng bayan at importanteng kaganapan sa lipunan.
Ginawa ni Direk Favis ang proyekto na ito para matulungan ang mga aspiring artist na walang kapasidad na lumabas sa mainstream media. Ito ang kanilang stepping stone para maging maayos ang kanilang pagtahak sa karerang pangarap nila.
Ang 7th Inding-Indie Film Festival ay gaganapin sa Gateway Cineplex Cinema sa August 22, 2022, SM Cinema Bacoor naman sa September 26, 2022 at Metropolitan Theater sa Maynila sa August 30, 2022.
Magkakaroon din ng mall tour ang nasabing artists sa SM Robinson, Araneta Farmers Plaza at Isetann Recto.
The post 7th Inding-Indie Film Festival umabante na first appeared on Abante Tonite.
0 Comments