K nabangga sinasakyan na tsikot; may galos sa katawan

Nagtamo ng ilang galos sa katawan ang komedyante at singer na si K Brosas matapos bumangga ang sinasakyan niyang kotse sa Amerika.

Ibinalita ni K ang pangyayari sa kanyang Twitter kahapon.

“So na car accident kami kanina, thank You lord at safe naman kami, ako lang ang may minor cut at may konting bruises. naloka ako sa bilis ng pagdating ng ambulance firetrucks etc.. na check naman ako at ok lang, mabuti malaki yung pickup truck kung saan kami nakasakay. TYL!” saad niya sa kanyang post.

Kuwento pa ni K, sa pwesto niya bumangga ang kasalubong nilang kotse kaya’t buti na lamang at ligtas siya.

“eto po pala itsura ng bangga.. sa side ko talaga impact kaya ako lang ang mejo na injure ng burberry light lang malayo sa bituka hehe.. still thank you lord talaga.. ok pa rin naman ako at kaming lahat. stay safe po,” dugtong pa niya.

Base sa kanyang mga huling Twitter post, si K ay nasa Texas para sa ilang serye ng shows. (Joven Delantar)

The post K nabangga sinasakyan na tsikot; may galos sa katawan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments