Anim na Top Class Trainee nagpaalam na sa kompetisyon

NI: ROLDAN CASTRO

Lalong umiinit ang labanan sa Top Class: The Rise to P-Pop Stardom! Mula sa Top Class Campus ay lumipat ito sa kanilang magiging bagong tahanan Ang “Top Class Bootcamp” .

Naganap ang collaboration performance nila kasama ang kanilang vocal mentor na si KZ Tandingan. Mas nakadagdag pressure para sa mga trainee na mas galingan upang mapabilib ang kanilang mga mentor.

Sinalubong ng kanilang vocal mentor ang mga trainee sa bootcamp at sinimulan agad ang kanilang rehearsals para sa kanilang performances. Naging mahirap man ang hamon ay papabilib ng mga trainee ang kanilang mga mentor matapos nilang kantahin ang mga kanta ng kanilang vocal mentor.

Matapos ang performances ay nagbigay na ng mga grado sila Shanti Dope, Brian at KZ Tandingan.

Naging emosyonal ang ikapitong episode ng Top Class nang magpaalam ang anim na trainees na sina Ash, Chase, Dave, EL, Kim, at Matt sa kompetisyon. Kasabay ng matinding emosyon ng mga trainee ay nag-trend din ang #TopClass2ndElimination sa Twitter sa Pilipinas.

Maging ang Campus Jock at co-host na si Albie Casiño ay naging emosyonal din. Nagbahagi rin ito ng mga salitang pampatibay ng loob. Siya ay lubos na umaasa na sana’y magpatuloy lang ang mga natanggal na trainee na magsikap tuparin ang pangarap na maging isang ganap na P-pop idol.

Abangan ang malaking pagbabagong magaganap sa 16 na trainee at alamin kung bakit pinatawag ang anim na may pinakamababang ranggo sa mga natitirang trainee sa Principal’s office sa susunod na episode ng Top Class. Mapapanood ang Top Class araw-araw sa Kumu at tuwing Sabado, ika-5 ng hapon sa TV5 .
Palabas din ang Top Class sa labas ng Pilipinas via iWantTFC at Myx Global.

Para hindi mahuli sa mga balita ng Top Class, sundan lamang ang Top Class sa Facebook, Instagram, at Twitter @topclassofficial, Top Class sa Youtube, at topclass naman sa Kumu. Para naman sa halos araw-araw na pagsubaybay sa buhay ng trainees, sundan lamang ang @topclassdaily sa Kumu.

Ang Top Class: Rise to P-Pop Stardom ay produkto ng pagsasanib-pwersa ng Kumu, TV5, Cignal Entertainment, at Cornerstone Entertainment. Nang dahil sa samahang ito, makasisiguro ang mga manonood na ibang klase ang kalidad at aliw na hatid ng programang ito

The post Anim na Top Class Trainee nagpaalam na sa kompetisyon first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments