Bea kulelat sa rampahan

NI: ARCHIE LIAO

Hanggang ngayon, iniintriga pa rin ng kibitzers ang hindi pagkapanalo ni Bea Alonzo ng anumang awards sa naganap na Thanksgiving Gala ng GMA-7 kamakailan.


May mga nakuha kasing awards sa nasabing fundraising event sina Marian Rivera, Heart Evangelista at Sanya Lopez pero kulelat ang aktres sa anumang citation.

Kung tutuusin, hindi raw naman nalalayo ang pagiging elegante ni Bea sa kanyang pagrampa sa naturang event sa kanyang Dior, Cape dress ni Rajo Laurel.

May nagkokomento ring kasing-stylish din naman niya sina Marian, Heart at maging ni Sanya Lopez sa kanyang fashion wear.

May nagsasabi tuloy na kahit na isang Kapuso ay mas pinapaboran pa rin ng network ang kanilang homegrown talents tulad nina Marian at Sanya.

Pagtatanggol naman ng ilan, hindi lang daw naman si Bea ang naitsapuwera sa mga rumampa dahil kung tutuusin mas queenly pa raw ang pagrampa ng mga beauty titlists tulad nina Celeste Cortesi, Michelle Dee at Bianca Manalo kesa sa ibang itinanghal na winner.

The post Bea kulelat sa rampahan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments