Itinarak ni August Benedicto ang malaking kudeta nitong Linggo, kumalas sa huling ikot ng takbuhan, sinilat si Mark Jansen ng Australia at tinanghal na pangkalahatang kampeon sa Megaworld IRONMAN 70.3 Philippines sa The Mactan Newtown sa Lapu-Lapu, Cebu.
Pumang-15 sa huling pro IM 70.3 noong 2019 dito rin samantalang dinomina ang Asian Elite nang dalawang ulit bago nagka-pandemya, humabol ang beteranong Pinoy mula sa pagpang-40 sa opening 1.9K swim leg at nilagay ang sarili na kumakasa pa sa trono sa malakas na pagtapos sa 90K bike event, sa may tatlong ikutan sa Cebu-Cordova Expressway Link.
Umakyat siya sa pang-apat pa-deciding 21K run at sinakyan ang momentum, tinuhog sina Satur Salem ng Lanao Del Norte, Jonathan Pascua at Jansen sa last 12.8K patagumpay sa oras na 4:29:16 sa racecourse sa bagong triathlon hub ng bansa.
“Sa last loop nang kumalas ako, mga last 7 km. Marami kami sa bike kasi naunahan nila ako sa swim. Nilampasan ko lahat. Mga 15 siguro ang nauna sa akin (swim),” lahad ni Benedicto, na itinakbo rin ang 35-39 category diadem sa may halos 2,000 triathletes mula sa 46 na mga bansang kalahok.
Pinagpag naman ni Ines Santiago ang hirap, kasama ang menstrual cycle, sa panalo sa distaff side ng event, may 12 age-group title ang nakataya, kasama ring napagwagian niya ang 40-44 trophy sa 5:23:14.
“I’m very grateful for the nice weather, I really enjoyed it that I was able to push myself,” suma ng 40-year-old businesswoman mula Pulupandan, Negros Occidental at part-time teacher at the Univ. of Asia and the Pacific.
Wagi siya laban kina Leyann Ramo at Cianyl Gonzalez, na may mga clocking na 5:32:00 at 5:36:09, ayon sa pagkakasunod, sa overall plum.
“Actually, when I woke up, I got my period and that was a tough challenge. I started bleeding at the run but you know, girl power!,” hirit ni Santiago, na gaya ng kabuuang mga kasali pinapurihan ang paligsahang inorganisa ng The IRONMAN Group/Sunrise Events, Inc.
“When you join the IRONMAN, the only thing that you have to worry about is your training. You don’t have to worry about anything on the racecourse because you’re sure that there’s ample hydration, marshals, volunteers. So it’s a very, very nice community,” sey niya.
Bilib din siya sa bagong pinakamahabang tulay sa bansa, ang CCLEX na nagkabit sa Cebu City at Municipality of Cordova.
“The bike course was very interesting since it’s a new bridge, the roads are very, very nice. The scenery was really great and thankfully, the wind was also cooperative, so all in all, it was a really nice course,” wakas ni Santiago.
“I’m very happy with the new bridge, it’s so good, so smooth,” ani Benedicto. “I’m good in bike but I feel so safe in that bridge.”
Niladlad ni Salem ang kisig sa pagbibisikleta para ibadya ang puntiryang pangalawang titulo sa endurance race pagkahari sa Sun Life 5150 Bohol noong Hulyo, pero nasunog sa takbuhan kasabay sina Jonathan Pagaura, para mahablot nina Benedicto, Jansen at John Alcala ang Top 3 ng blue-ribbon event na hatid ng AIA Vitality.
Nagpatak si Jansen ng 4:36:05 sa pagsegunda, si Alcala ang tumersera sa 4:37:54 kasunod si Salem (4:38:39), Jailani Lamama (4:39:38), Leonard Rondina (4:43:09), Czech Petr Lukosz (4:43:39) Jorry Young (4:44:01), Mervin Santiago (4:44:08) at Abdul Rahman Toroganan (4:46:00).
Umakyat si Lukosz, patok na mananalo sa event pagkahari sa full IRONMAN sa Subic noong Marso, mula pang-10 sa swim papang-anim sa bike, pero bumigay rin sa huling kalahatian ng takbuhan sa pagpampito.
Ang iba pang mga winner: A.J. Rejas (Female 18-24, 6:09:04), C.J. Gonzalez (F25-29, 5:36:09), Leyann Ramo (F30-34, 5;32:00), Mitch Otsuru-Park (F35-39, 6:33:46), Nerissa Stafford (F45-49, 6:09:25), M.E. Endaya (F50-54, 6:25:00) at Tanya Lee-Parker (F55-59, 5:48:11);
Kenneth Bonda (Male 18-24, 4:55:50), Alcala (M25-29, 4:37:54), Rondina (M30-34, 4:43:09), Lukosz (M40-44, 4:43:39), Jansen (M45-49, 4:36:05), Michael Rudolph (M50-54, 5:10:00), Herve Potus (M55-59, 6:00:00) at Henry Clark (M60-64, 5:36:49).
Ang Team Spectrum Nephro Mayo ang pangakalahatang kampeon sa team relay sa 4:11:40 clocking kontra Team Go4less1 (4:14:02), at Team Spectrum Renal Specialty (4:15:01).
Pero ang Team Go4lessW1 pumrimera sa female relay division sa 5:27:17, binigo ang Team Christifidelis Briz (5:28:49) at Team Tripulante Sa Mactan4 (5:51:30), at ang TSN Mayo ang nanaig sa male relay plum.
Ang Team Spectrum Renal Specialty petmalu sa mixed relay sa 4:15:01, laban sa Team Spectrrum Mayo Kidney Care (4:18:07) at Team Andotsports (4:26:02).
Mga pumadrino sa kompetisyon ang Athletic Brewing Co., Hyperice, Santini, Wahoo, Fulgaz, City of Lapu-Lapu, CCLEX, Municipality of Cordova (Cebu), City of Cebu, Lalamove, Alaska, Lightwater, Prudential Guarantee, RLC Residences, Regent, Rudy Project, Sante, Teresa Marble Corp., Cignal, Philippine Star at Sportograf.com. (Ramil Cruz)
The post Benedicto, Santiago bumida sa IRONMAN first appeared on Abante Tonite.
0 Comments