Big time oil price hike arangkada

Tuloy na tuloy na ang malakihang dagdag-presyo sa produktong petrolyo ngayong Martes.

Sa abiso ng Shell at Clean Fuel, nasa P6.10 ang dagdag presyo ng kada litro ng diesel, P1.40 naman ang dagdag kada litro ng gasolina.

Ang Shell ay mayroon din P6.10 taas presyo sa kanilang ke­rosene.

Alas-sais ng umaga ngayong Martes magiging epektibo ang taas presyo ng Shell habang alas-otso ng umaga naman sa Clean Fuel.

Ito na ang ikatlong sunod na taas-presyo ng mga produktong petrolyo.

Ang taas-presyo ngayon ay ang kauna unahang pinakamala­king halaga na pagtaas sa petrolyo. (Betchai Julian/Kiko Cueto)

The post Big time oil price hike arangkada first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments