PH nakakahiya `di kayang gumawa ng asin – Villanueva

Ikinabahala ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pahayag ng Department of Agriculture (DA) na diumano’y hindi kaya ng Pilipinas na gumawa ng asin para sa pansariling gamit dahil sa kapabayaan ng gobyerno sa nagdaang 15 na taon.

“Nakakahiya naman po ito para sa isang bansang arkipelago na may mahigit na 36,000 kilometro ng baybayin. Huwag po nating sayangin pa ang potensyal nitong lumikha ng trabaho para sa bawat Pilipino sa bawat pulo ng bansa sa pagbuhay muli ng industriya ng salt production,” ani Villanueva.

Napabalita rin na sinabi ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. na kasalukuyang umaangkat ng 93 porsyento ng asin ang bansa mula sa Australia at China.

Kinumpara ito ni Villanueva sa ulat na 15 porsyento lamang ang inaangkat ng asin ng bansa noong 1990.

“I am quite salty about the state of our salt production industry. Hindi pa po huli na maging net exporter tayo ng asin,” ani Villanueva.

Naghain si Villanueva ng Senate Resolution No. 100 para imbestigahan kung paano ibabangon ang salt production industry ng bansa. (Dindo Matining)

The post PH nakakahiya `di kayang gumawa ng asin – Villanueva first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments