Bong Revilla, Imee pinukpok PNP chief sa kidnapping

Nanawagan si Senador Ramon `Bong’ Revilla Jr. sa Philippine National Police (PNP) na imbestigahang mabuti sa halip na maliitin ang kumakalat na balita na nagsimula sa social media na umano’y pagdukot sa mga menor de edad na karaniwan ay babae.

Sa isang liham na ipinadala ni Revilla kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., hiniling ng senador na seryosong tutukan ang naturang ulat na ngayon ay pinag-uusapan na sa diyaryo, radyo at telebisyon, at nagdudulot na ng takot sa mga magulang.

“Ang mga kuwentong umiikot sa social media tungkol sa mga pandurukot umano involving itong mga puting van, kasama na rin ang mga social media posts ng mga nawawala lalo dito sa kalakhang Maynila ay dapat bigyan ng mabilisang pansin at aksyon,” ani Revilla.

“Mahalagang matukoy natin kung may katotohanan sa mga balita ito, o kung may mga masasamang loob lamang na nais magpalaganap ng takot sa taumbayan,” dagdag pa niya.

Hindi aniya dapat na isinasara agad ng PNP ang mga ganitong ulat dahil kung wala katotohanan ay dapat na tugisin naman kung sino ang nasa likuran ng pagpapakalat nito.

Hiniling naman ni Senador Imee Marcos sa PNP gayundin sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsampa ng mga kaso.

“Lalo na ang mga kabataang babae na ginahasa na, brutal pang pinatay. Dapat wala silang sasantuhin,” sabi ni Marcos. (Dindo Matining)

The post Bong Revilla, Imee pinukpok PNP chief sa kidnapping first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments