Usec David Almirol Jr. sinuspinde ng Ombudsman sa P1.55B kontrata ng DICT

Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang anim na buwang preventive suspension kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary for E-Government David Almirol Jr. kaugnay ng umano’y conflict of interest sa mga kontrata ng ahensiya na umabot umano sa P1.55 bilyong halaga.

Sa pitong pahinang kautusan, sinabi ng Ombudsman na may sapat na batayan upang ipatupad ang suspensiyon nang walang sahod habang dinidinig ang mga reklamong administratibo laban kay Almirol, kabilang ang grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (Republic Act 6713).

Nag-ugat ang mga reklamo sa ulat ng DICT Internal Audit Unit noong Hunyo 2025 tungkol sa posibleng conflict of interest sa pagkuha ng mga dating tauhan ng Multisys Technologies Corporation at paggawad ng mga kontrata sa mga kompanyang may kaugnayan dito.

Ayon sa Ombudsman, itinatag ni Almirol ang Multisys noong 2010 at nagsilbi ito bilang president at chief executive officer ng kompanya sa loob ng mahigit isang dekada bago siya italaga bilang DICT undersecretary noong Agosto 2022.

Kalaunan, pinamunuan din niya ang pagbuo at paglulunsad ng eGovPH Super App.

Sa karagdagang imbestigasyon, natukoy ng Ombudsman na hindi bababa sa walong eGov-related contracts ang iginawad ng DICT sa mga kompanyang may ugnayang pinansyal sa Multisys mula Nobyembre 2023 hanggang Mayo 2025.

Umabot umano sa humigit-kumulang P1.55 bilyon ang halaga ng mga kontrata para sa ICT consultancy, e-government application deployment, web-based messaging services, cloud infrastructure, data center colocation at software subscriptions.

Ayon sa Ombudsman, hindi rin agad nag-divest si Almirol sa Multisys at lumampas sa itinakdang 60 araw mula nang maupo siya sa puwesto para alisin ang kanyang mga interes sa negosyo, alinsunod sa Republic Act No. 6713.

Sinabi rin ng Ombudsman na maaaring makaapekto sa imbestigasyon ang pananatili ni Almirol sa puwesto, lalo’t nasa kanyang kontrol ang mga dokumento at ebidensiyang may kaugnayan sa kaso.

Binigyang-diin ng Ombudsman na hindi parusa o pinal na hatol sa pananagutan ni Almirol ang preventive suspension, kundi isang hakbang upang matiyak ang patas at maayos na imbestigasyon. (Angelika Cabral)

The post Usec David Almirol Jr. sinuspinde ng Ombudsman sa P1.55B kontrata ng DICT first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments