DAHIL pinahinto sa pag-aaral sa kolehiyo, nagpakamatay ang isang dalaga sa loob ng kanyang kuwarto sa Benito Soliven, Isabela kamakalawa.
Ayon sa Benito Soliven Police Station (BSPS), lumitaw na dinamdam ng 19-anyos na biktima ang sinabi ng kanyang ama na tumigil muna ito sa pag-aaral sa kolehiyo dahil sa kawalang ng sapat na pera.
Sinabi ni BSPS commander P/Maj. Ruffo Figarola, na ang biktima ay nagtapos `with honor’ sa junior at senior high school.
Ayon sa opisyal, bago nagpatiwakal ang biktima, nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang mga magulang matapos ihayag ang kagustuhang mag-enroll sa isang unibersidad subalit hindi pumayag ang ama dahil hindi nila ito kayang pag-aralin.
Simula noon, nagkulong umano ang dalaga sa kuwarto at kinabukasan, nagulat na lamang ang mga kaanak ng biktima na siya ay nakabitin na gamit ang nylon na lubid.
Napag-alaman na nakapasa sa entrance exam ang dalaga at nakatakda na sanang mag enroll. (Allan Bergonia)
The post Honor student pinahinto sa pag-aaral, nagpatiwakal first appeared on Abante Tonite.
0 Comments