Hostage sa kuryente

Malapit na naman ang tag-init. Sa Batangas, itoang panahon ng dagsa ng turista sa mga beach at resort at ng masiglang operasyon ng mga negosyoat pabrika. Isa itong lalawigan na hindi lamangtourist destination kundi ‘investor haven’.

Ngunit sa kabila ng lahat ng potensyal na ito, ang mga konsumer ay tila ba palaging ‘hostage’ —nakagapos sa kawalan ng maaasahang kuryente, walang kalaban-laban sa madalas na brownout at walang alternatibong generator na sasalo sapangangailangan ng lahat.

Matagal nang nakabinbin ang joint venture ng BATELEC II at Meralco. Para itong ransom napaulit-ulit ipinapangako ngunit hindi ibinibigay. Habang tumatagal, lalong lumalala ang sitwasyon: mga kabahayan na nagdurusa sa init, mganegosyo na nalulugi at mga estudyante nanapipilitang mag-aral sa dilim. Ang mgaBatangueño ay parang bihag na nakatali ang kamay, walang magawa kundi maghintay.

Sa bawat brownout, malinaw kung sino ang talo: ang ordinaryong mamamayan. Walang generator para sa lahat, walang alternatibong solusyon. Ang mga konsumer ay parang hostage na walang tinig, habang ang mga namumuno sa BATELEC II ay tilaba nagtatagal sa negosasyon na hindi naman umaabot sa konkretong resulta.

Muling iginiit ng mga opisyal ng Batangas ang kanilang panawagan: kumilos na ang BATELEC II at huwag nang ipagpaliban ang ‘joint venture’ saMeralco. Ang mensahe ay malinaw—hindipuwedeng manatiling bihag ang mga konsumer sadilim at init. Kung hindi kikilos ang kooperatiba, sino pa ang magliligtas sa mga Batangueño?

Ang isyung ito ay hindi lang lokal. Isa itongsalamin ng mas malawak na problema ng mgaelectric cooperative sa bansa: paano babalansehinang lokal na kontrol at ang pangangailangan para sa modernisasyon? Kung magtatagumpay ang ‘ joint venture’ maaari itong magsilbing modelo para sa iba pang rehiyon na dumaranas ng parehongsuliranin.

Sa tuwing dumarating ang tag-init, mulinglumalabas ang kahinaan ng ating sistema ng kuryente. Sa Batangas, kung saan turismo, negosyo, at kabuhayan ay sabay-sabay umaasa sakuryente, hindi na puwedeng palaging hostage ang mga konsumer. Ang tanong: hanggang kailan magtitiis ang Batangueño sa dilim?

The post Hostage sa kuryente first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments