Naging pasakit sa maraming commuters ang walang humpay at maghapon na pag-ulan na nagdulot ng pagbaha at pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Maynila at iba pang lugar sa Metro Manila.
Nabatid na alas-otso ng umaga nang magsimula ang walang tigil na pag-ulan hanggang alas-otso ng gabi.
Kabilang sa binaha sa Maynila ay ang kahabaan ng Taft Avenue, Espana, Tondo, R.Papa at iba pang lugar.
Sanhi nito, maraming commuters ang naipon sa kalsada at na-stranded dahil walang masakyan.
Asahan din ang pag-uulan ngayong weekend dahil sa aktibong Low Pressure Area (LPA) na namataan sa Calauag Quezon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Ayon sa PAGASA, pinalalakas ng LPA ang hanging habagat na siyang magdadala ng pag-uulan sa Metro Manila, Pangasinan, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela, mainland Cagayan, Central Luzon, Southern Luzon, Bicol Region, Zamboanga Peninsula at Visayas. (Juliet de Loza-Cudia/Tina Mendoza)
The post Ilang lugar sa NCR binaha, uulanin pa sa LPA first appeared on Abante Tonite.
0 Comments