JM napikon, pinaiyak ang fan

Ni: Vinia Vivar

Napaiyak ni JM de Guzman ang kanyang fan nang i-prank niya ito sa ginanap na Fans Day kamakailan.

Makikita sa latest vlog ni JM sa YouTube ang kanyang attitude prank na ginawa sa kanyang mga fan .Talagang paniwalang-paniwala ang lahat since as we all know ay napakagaling naman niya talagang aktor at maning-mani lang sa kanya ang mga ganitong pag-arte.

Sa umpisa pa lang ng vlog ay sinasabi na ni JM na ipa-prank niya ang kanyang fans at prinaktis pa niya ang kanyang facial expression.

“’Di nila alam guys, mayroon tayong ipa-prank. Makikita n’yo kung paano ako mag-attitude, kung paano ako ma-offend. Pero joke lang ‘yun,” sey ni JM.

Sa umpisa ay nakipagkulitan muna si JM sa kanyang fans, nakipagpa-picture, nakipagyakapan, at nakipag-bonding.

Hanggang sa umpisahan na niya ang prank niya sa question and answer portion. Bale ba, ang napili pa niyang i-prank ay isang 24-year-old na babae na galing pa ng Isabela.

May mga tinanong sa kanya ang fan na actually ay hindi naman nakakapikon pero nagkunyaring na-offend si JM .Sa bandang huli ay nag-walk out pa at pumunta sa isang kwarto.

Habang nasa kuwarto si JM ay natatawa siya na successful ang kanyang prank but at the same time ay nag-alala na baka nagalit ang kanyang fans.

Ang pobreng nagtanong na fan, siya pa ang sinisisi nang sinisisi ng iba .Sana raw ay hindi na tinanong ang mga yun. Mangiyak-ngiyak naman ang tagahanga. Inutusan siya na puntahan si JM sa kwarto at mag-apologize na sinunod naman niya.

Nang puntahan niya si JM sa kwarto ay kinumpronta siya ng aktor na siyempre ay bahagi pa rin ng prank niya.

Galit na sinabi ni JM na hindi dapat nagtatanong ng mga ganu’n dahil sensitibo ang sitwasyon niya ngayon.

Nang mapapaiyak na ang fan, hindi na nakatiis si JM at nagtanong kung okay lang ba ito and revealed na prank lang ang lahat.

Napaiyak na nang tuluyan ang fan at mahigpit siyang niyakap ni JM.

Bumawi naman nang bonggang bongga ang aktor sa kanyang prinank dahil sa mga nalalabing oras ay lagi niya itong niyakakap, tinatabihan at kinakausap.

Makikita rin na talagang naglaan siya ng oras sa fans at nakipag-bonding siya nang bonggang bongga sa mga ito.

The post JM napikon, pinaiyak ang fan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments