Derek sinabihang ‘buwiset’ si Ellen

Ni: Vinia Vivar

Sanay na ang mga netizen sa pag-aasaran nina Derek Ramsay at Ellen Adarna dahil ipino-post nga nila lagi ang video ng mga kulitan nila.

Tila normal na nga sa mag-asawa ang mag-asaran at pagkatapos ay magtatawanan na lang sila.

Ilan sa mga classic asaran nila ay ang pananakot ni Ellen ng ipis kay Derek, ang pag-video ng aktres kay Ramsay habang nagsa-shower, ang pagkuha ng video ng aktor sa misis habang natutulog, etcetera.

Pero nitong huli ay tila napikon si Derek at sinabihan niya si Ellen na tumigil na sa pagbi-video sa kanya.

Ipinost ni Ellen ang video kung saan ay makikitang kinukunan niya ng video ang mister na nakahubad habang nag-iisang nakaupo sa kama.

Sinitsitan ni Ellen si Derek at saka tumawa nang tumawa. Noong una ay nakangiti pa ang aktor habang pinagtatawanan siya ng misis.

Pero bandang huli ay nainis na at sinabihan niya si Ellen na “stop it! Can I just relax? You get your ‘me’ time, can I have my ‘me’ time?’

Pero ayaw pa ring tumigil ni Ellen at panay pa rin ang tawa kaya napailing na si Derek.

Sa caption ng video, Ellen wrote, “conscious ka???? @ramsayderek07.”

Sumagot naman si Derek sa comment section. “Bwisit,” aniya.

Aliw na aliw naman ang mga netizen sa kanila. Komento nga ng isa, “Nakikita kong kahit nag-aasaran kayo ay love nyo talaga ang isat-isa. I wish na magka baby na kayo.”

May nagkomento rin na sobrang guwapo raw ni Derek sa video kaya siguro hindi mapigilang asarin ni Ellen.

The post Derek sinabihang ‘buwiset’ si Ellen first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments