PSC popondohan 9 na kompetisyon

Isinumite na ng Philippine Sports Commision ang kailangang P546M pondo para sa taong 2023 na gagamitin para sa siyam na kompetisyon ng mga atleta sa loob at labas ng bansa.

“We are hoping that the proposed budget will be approved by our country’s leaders. As a former athlete, the unwavering support of the government along with the full backing of the Filipino people are vital for our success,” lahad Martes ni PSC Commissioner at Officer-in-Charge Olivia ‘Bong’ Coo.

Sa nasabing badyet, P250M ang ilalagak sa pagsabak ng ‘Pinas sa 32nd Southeast Asian Games sa

sa Phnom Penh, Cambodia sa May 2-16, P100M sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre 23-Oktubre 8.

P72M sa 4th World Combat Games sa Riyadh, Saudi Arabia sa Okt. 5-14, 2023, P67M sa 6th Asian Indoor and Martial Arts Games sa Bangkok-Chonburi, Thailand sa Nobyembre 17-26, at P56M sa 2nd World Beach Games sa Bali, Indonesia sa August 5-17.

Tatalakayin pa ng PSC ang magagasta ng mga atleta sa 12th ASEAN Para Games sa Hunyo sa Cambodia 4th Asian Para Games sa Oktubre sa China, 19th International Basketball Federation Men’s World Cup sa Agosto sa PH at 9th International Football Federation Women’s World Cup sa Hulyo-Agosto sa Australia-New Zealand. (Ramil Cruz)

The post PSC popondohan 9 na kompetisyon first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments