Hiniling ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa Department of Health (DOH) na huwag nang isali ang mga guro vaccination program sa mga school upang makatutok ang mga ito sa kanilang klase kasabay ng nalalapit na pagbabalik-eskuwela ngayong buwan.
“Kanina naibilin ni madam Vice President sa atin itong sinasabi niyang mobile… ang tagubilin niya sana huwag muna natin magamit ang mga guro para sa vaccination program ng eskuwelahan dahil sila ay marami ring task during the start of the school,” pahayag ni DOH officer-in-charge Rosario Vergeire.
“Kaya ang sabi ko sa kanya, we will be coordinating with the DILG, so that the local government healthcare workers will be the ones to do the vaccination at yung bakunahan sila ang mag-organisa dito sa mga eskuwelahan,” dagdag nito.
Matatandaang ang mga eskuwelahan ay pinagdarausan ng mga bakunahan kabilang ang booster para palakasin ang proteksiyon kontra COVID ng mga Pinoy.
Dagdag pa ni Vergeire na ang DOH ay nakikipag-ugnayan na sa mga opisyal ng DepEd para maglabas ng health protocols para sa nalalapit na face-to-face.
The post Sara binawalan DOH gamitin mga guro sa vaccine rollout first appeared on Abante Tonite.
0 Comments