40-50 per litro ng langis malabo pa Malabo pang bumalik sa halagang P40 hanggang P50 kada litro ang presyo ng langis sa bansa bunsod ng nagpapatuloy na isyu o problema sa suplay nito sa bansa.
Ito ang pag-amin ng Department of Energy (DOE), sa kadahilanang kasalukuyan pa lamang umano nagsasagawa ng solusyon ang pamahalaan sa problema sa Russia at ang replacement supply pa lamang ang pinoproblema sa kasalukuyan.
“Medyo malabo kasi ‘yong bottomline is ang sino-solve pa nga lang natin ang Russian problem, ‘di pa natin sino-solve ang oversupply… ‘Yong replacement supply pa lang pinuproblema na natin,” pahayag ni DOE Rino Abad.
Sa susunod na linggo, asahan ang pagbaba sa presyo ng petrolyo matapos ianunsyo ng Uni Oil na bababa sa P1.90 hanggang P2.10 kada litro ang presyo ng gasolina habang P2 hanggang P2.20 ang posibleng pagbaba ng kada litro ng diesel.
Gayunman, inaasahan din na bababa sa P2.50 hanggang P2.75 ang kada litro ng kerosene.
Inaasahan na ipatutupad ito sa darating na Martes sa susunod na linggo.
Bukod sa presyo ng langis, inaasahan ding bababa din ang singil ng Meralco sa buwan ng Agosto. (Betchai Julian)
The post Big time rollback wa epek! P40-P50 per litro ng langis malabo- DOE first appeared on Abante Tonite.
0 Comments