4 nadale sa salpukan ng 2 motorsiklo

Pawang sugatan ang dalawang rider at mga angkas nila nang magsalpukan ang kanilang motorsiklo sa Brgy. Bahay Toro, Quezon City, Sabado ng gabi.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 6, alas-11:00 ng gabi (September 3), nang maganap ang aksidente sa Congressional Ave., corner Hereford St., ng nasabing barangay.

Ang riders at backriders na pawang nagtamo ng mga sugat at pilay sa katawan ay sina Vincent Ulysses Vargas, 2; Reanay Incensio Buenaventura, 16; Jayson Naraja Badal, 24, at Dionan Guban Cortez, 26 anyos.

Ayon kay PSMS Jayson P Darriguez, sakay ng Kawasaki Rouser motorcycle (No. 610-PJO) at binabaybay ni Badal at ng kaniyang angkas na si Cortez ang Congressional Avenue patungong Mindanao Ave., nang makasalpukan ang minamanehong Suzuki Skydrive motorcycle (No. 565-UCI) ni Vargas kasama ang backrider na si Buenaventura.

Sa lakas ng impact ay pawang tumilapon ang apat na agad namang naisugod ng ambulansiya ng Brgy. Bahay Toro sa Quezon City General Hospital para sa karampatang paunang lunas. (Dolly B. Cabreza)

The post 4 nadale sa salpukan ng 2 motorsiklo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments