Bangkay ng bebot hubad na lumutang sa dagat

Isang bangkay ng babae na walang anumang saplot ang natagpuan sa karagatan sakop ng Brgy. Sabang, Polillo, Quezon nitong Martes ng umaga.

Ayon sa Polillo police, ang hindi pa nakikilalang bangkay ay posibleng biktima ng pagkalunod dahil sa pananalasa ng bagyong Karding.

Natagpuan ng mga miyembro ng bantay dagat na nagsu-survey sa lugar ang lulutang-lutang na bangkay hindi kalayuan sa dalampasigan alas 7:30 ng umaga.

Hubo’t hubad ito at tanging ang suot na round silver na hikaw ang pagkakakilanlan dito.

Inaalam pa ng pulisya kung ang biktima ay mula sa isla ng Polillo at sa mga katabing lugar.

Sakaling biktima ito ng bagyong Karding, ikalawa ito sa matatalang casualty sa lalawigan ng Quezon.

Nakalagak ngayon ang bangkay sa isang puneraria sa Polillo at hinihihintay na kilalanin ng kanyang mga kaanak. (Ronilo Dagos)

The post Bangkay ng bebot hubad na lumutang sa dagat first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments