Kelot nabagsakan ng pader sa Malate, tsugi

Patay ang isang lalaki matapos mabagsakan ng firewall habang abalang nagtatrabaho sa construction site kamakalawa ng hapon sa Quirino Avenue corner Asuncion St., Malate, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni PSMS Jansen Rey San Pedro, ng Manila Police District-homicide section, kinilala ang biktimang si Jeson Tulin, 21, construction worker ng Jap Construction and Development Corporation .

Naganap umano ang insidente alas-tres ng hapon sa nabanggit na construction site.

Habang abalang nagtatrabaho ang biktima kasama sina Gerry Maunes, 48; at Billy Joe Morely, safety officer nang biglang bumagsak ang firewall ng katabing lote sa loob ng construction site dahilan para madaganan ang biktima.

Mabilis na isinugod sa Ospital ng Maynila si Tulin pero hindi na naisalba dahil sa matinding pinsala sa katawan.

Dinala ang bangkay sa Cruz Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Kelot nabagsakan ng pader sa Malate, tsugi first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments