PH utang pa more ng P200B sa October

Nasa P200 bilyon ang planong utangin ng Bureau of the Treasury (BTr) sa loob ng bansa sa pamamagitan ng pag-isyu ng tinatawag na treasury bills at bonds.

Ayon sa datos ng Department of Budget and Management (DBM), P1.6 trilyon ang kabuuang uutangin ng BTr sa loob ng bansa sa pamamagitan ng treasury bills at bonds ngayong taon samantalang P561.47 bilyon naman ang uutangin nito sa labas ng bansa.

Base sa datos ng DBM, P567 bilyon ang uutangin ngayong taon sa pamamagitan ng treasury bills at P1.598 trilyon naman ang treasury bonds.

Ang mga treasury bill ay binabayaran sa nagpapautang na mga bangko o insurance company sa loob ng 91 na araw, 182 na araw o 364 na araw. Mas mahaba naman ang bayaran ng treasury bonds na lampas isang taon kaya mas mahal din ang interes nito.

Plano ng DBM na mangutang ng P5 bilyon na 91-day treasury bills, P5 bilyon na 182-day treasury bills, at P5 bilyon na 364 day treasury bills sa bawat Lunes ng Oktubre.

Mangungutang naman ito ng P35 bilyong 3-year treasury bond sa Oktubre 6, P35 bilyong 6-year treasury bond sa Oktubre 13, P35 bilyong 10-year treasury bond sa October 20, at P35 bilyong 13-year treasury bond sa Oktubre 27. (Eileen Mencias)

The post PH utang pa more ng P200B sa October first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments