Belle patok sa pink gown; umukit ng kasaysayan

NI: ALWIN IGNACIO

Patok at putok na putok ang TIkTok video ni Kapamilya next-in-line superstar Belle Mariano. 3.1 million appreciation views ang meron ito.

Unang mapapanood sa video na siya ay rumarampa sa airport na naka-casual attire. Sunod na eksena ay ganda-gandahan na syang suot ang pink fully beaded gown na may asymmetric top at Filipiniana butterfly sleeve na may long, flowy cape sa isang balikat bilang accent. Ang trumpet silhouette nito ay nagbigay ng oomph sa bewang ni Mariano at na additional pasabog ang thigh-high slit. Ending ng video ay nasa entablado ang katambal ni Donny Pangilinan, hawak ang bouquet ng bulaklak at tropeo .

Kasaysayan ang inukit ni Mariano dahil sa kanyang panalo bilang Outstanding Asian Star sa 17th Seoul International Drama Awards. Siya lang naman ang pangatlong artistang Pilipino at ang kauna-unahang Pinay aktres na ginawaran ng parangal ng. Ang mga naunang artistang Filipino na may karangalan at Outstanding Asian Star trophy ay sina Alden Richards (2019) at Dingdong Dantes (2020)

@bellemariano_

Maraming salamat! 🤍 🇰🇷🇵🇭 #SeoulInternationalDramaAwards2022

♬ Sound by ajwavy – John Zimmer

The post Belle patok sa pink gown; umukit ng kasaysayan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments