Naniniwala si Senador Francis Tolentino na napapanahon nang baguhin ang sistema ng halalan sa bansa sa halip na amiyendahan lamang ang Omnibus Election Code.
“[The] proposal na amiyendahan na `yung Omnibus Election Code siguro napapag-usapan `yan na hindi na lang dapat piecemeal provisions. So `yung total overhaul na. Siguro isa-alang alang na din `yung teknolohiya ngayon, `yung makabagong teknolohiya para maging efficient, mabilis, at tsaka siguro kung babaguhin `yan, naiisip ko rin `yung gawing hindi simultaneous na isang araw para makakilos ang Commission on Elections,” sabi ng senador sa isang panayam sa radyo.
Maraming dapat baguhin aniya sa sistema ng eleksyon sa bansa kung saan binanggit ni Tolentino na mayroong milyong Pilipino na hindi nakakaboto tulad ng mga marino.
“Ako ang nakikita ko diyan `yung na de-disenfranchise natin na milyon, tinutukoy ko dito yung mga seaman natin, mga seaman, na nakasampa sa barko pagkatapos `pag nagpunta ka sa port e hindi ka din makaboto,” ani Tolentino.
The post Diskarte sa eleksyon baguhin – Tolentino first appeared on Abante Tonite.
0 Comments