By Rommel Gonzales
“Nai-survive ko na yung negosyo, di ba sa business is five years, dapat maisalba mo yan so ang nangyari sa pagsosolo ko at bumukod ako sa pamilya ko, sa mga nanay ko, tatay ko, medyo nai-survive ko ng maayos,” kuwento sa amin ng aktor tungkol sa wood carving business niya na labinglimang taon nang bumubuhay sa kanilang pamilya.
“So medyo okay na, nakalampas na ako dun sa stage na kritikal.
Bukod sa negosyo niya ay nag-a-artista pa rin si Leandro at hindi naman raw siya nahihirapan na pagsabayin ang mga ito.
“Ang paghahanapbuhay at pag-aartista medyo okay lang naman kasi dun sa business ko kasi simula bata pa kasi ako, iyon na yung hanapbuhay namin.
“So alam ko na yung routine, alam ko na yung takbo, alam ko na kahit nakapikit ako alam ko na yan. Alam ko na yan kahit ako pa ang magpipinta, kahit ako pa ang magka-carve alam ko na yung sistemang ganun kaya hindi na ako masyadong nahihirapan.”
Nasa Nakarehas Na Puso si Leandro bilang si Jack Galang kasama sina Jean Garcia bilang Amelia, Michelle Aldana bilang Doris, Vaness del Moral bilang Lea, EA Guzman bilang Miro at Claire Castro bilang Olive, Analyn Barro bilang Charlotte, Ashley Sarmiento bilang Nica at Bryce Eusebio bilang Warren.
Sa direksyon ni Gil Tejada, Jr., magsisimula na itong umere bukas, September 26 sa GMA Afternoon Prime.
The post Leandro Baldemor isinalba ang negosyo first appeared on Abante Tonite.
0 Comments