G Toengi balik Pinas!

by Rommel Gonzales

Nasa Pilipinas ang aktres na si G Toengi!

Dumating sa Pilipinas si G nito lamang Linggo, September 18, base sa Instagram post niya ng kanyang litrato sa Ninoy Aquino International Airport habang hawak ang kanyang mga maleta na may caption na “Touchdown Manila!”

At base sa sagot niya sa comment sa IG post niya ng host na si Marc Nelson, sampung araw lamang sa bansa si G.

Nag-mensahe rin ang singer/actor na si Janno Gibbs ng “Uy see you! @gtongi” sa dating aktres.

Wala pang detalyeng ibinigay si G kung ano ang gagawin niya sa Pilipinas.

Sumikat si Giselle Toengi or G noong dekada ’90, at ilan sa mga nagawa niyang proyekto sa showbiz ay ang G-mik, Beh Bote Nga, Mulawin, Paraiso Ko’y Ikaw, Enteng Kabisote at Langit sa Piling Mo.

Napangasawa niya ang foreigner na si Tim Walters at nanirahan na sila sa Amerika simula noong early 2000 at paminsan-minsang umuuwi sa Pilipinas.

Dalawa ang anak nina G at Tim, sina Kenobi at Sakura.

The post G Toengi balik Pinas! first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments