Inaantok na nagmotor, kelot tigok

Nasawi ang isang lalaki na sinasabing tinamaan ng antok habang nagmomotor matapos sumalpok sa poste ng kuryente sa Barangay Quinsoriano, Sta. Cruz, Ilocos Sur kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang biktima na si Reynan Dalang Ragasa, 25, ng Barangay Villa Hermosa, ng nasabing bayan.

Ayon sa Sta. Cruz Municipal Police Station (SCMPS), kasalukuyang tinatahak ni Hermosa ang kalsaba ng Barangay Quinsoriano gamit ang kanyang itim na motorsiklo nitong September 18 nang aksidente itong sumalpok sa poste ng kuryente.

Sinabi ng pulisya, sa lakas ng impact, nagtamo ng head injury ang rider na agad namang isinugod sa Ilocos Sur District Hospital sa Sta. Lucia ngunit siya ay dead-on-arrival na, ayon sa mga doktor.

Ayon sa pulisya, inantok umano ang biktima sanhi upang madisgrasya ito. (Allan Bergonia)

The post Inaantok na nagmotor, kelot tigok first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments