Sa harap ng mga insidente ng karahasan sa mga paaralan, isinulong ng Department of Education (DepEd) ang pagbuo ng Joint School Safety Task Force kasama ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP).
Layunin ng inisyatibong ito na palakasin ang koordinasyon ng mga kinauukulang ahensiya para matukoy at matugunan agad ang mga butas sa seguridad ng mga paaralan.
Binigyang-diin ng DepEd na hindi kayang tugunan ng isang ahensiya lamang ang mga hamon sa kaligtasan ng bawat paaralan. Kailangan magkaroon ng sama-samang pagkilos mula sa national government agencies, lokal na pamahalaan, mga paaralan, pamilya, at buong komunidad, ayon sa DepEd.
Samantala, nagpahayag ng suporta ang PNP sa inisyatiba ng DepEd para paigtingin ang seguridad sa mga paaralan matapos ang pamamaril ng isang estudyante sa South Cotabato.
Iminungkahi rin ng PNP na maaaring tumulong ang mga barangay tanod sa pagbabantay sa mga paaralan. Tinitingnan din ng PNP ang ilang hakbang gaya ng pag-regulate sa paggamit ng gadgets sa loob ng paaralan at mas mahigpit na monitoring sa online spaces na nagpo-promote ng karahasan. (France Gratil)
The post DepEd itinulak sanib-puwersa sa DILG, PNP para sa seguridad ng mga iskul first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments