Inabsuwelto ng Manila Regional Trial Court Branch 3 ang dalawang akusado sa umano’y pagpapasabog sa lungsod ng Maynila noong 2000.
Sa 59-pahinang desisyon ni Judge Jaime Santiago, ng Manila RTC Branch 3, iniutos rin ang agarang pagpapalaya sa mga akusadong sina Alvin Kadil alyas Sinbad at Remedios Habin.
Ipinapasoli na rin ang SUV na pag-aari ni Habin na una nang kinumpiska matapos ang pag-aresto sa kanila noong Enero 05, 2020.
Sa desisyon ng korte, nabigo umano ang mga pulis na mapatunayang pag-aari ng mga akusado ang mga sangkap sa pampasabog tulad ng claymore mine, detonating cords, mga granada at baril.
Sinabi ni Judge Santiago na “fishing expedition” ang nangyari sa operasyon ng mga pulis kung saan walang kaukulang warrant at inabot pa ng 5-oras nang damputin ang mga akusado. (Juliet de Loza-Cudia)
The post 2 suspek sa Manila bombing absuwelto first appeared on Abante Tonite.
0 Comments