STANDING
TEAM W L
*Sta. Elena 4 0
*Cignal 4 1
*PGJC-Navy 3 1
VNS One 2 2
Sta. Rosa 1 4
Ateneo 1 4
Army 1 4
*Swak sa semis
Mga laro ngayong Sabado:
(Paco Arena, Maynila)
2:30 pm – VNS One vs PGJC Navy
5:30 pm – Ateneo vs NU-Sta. Elena
Kakalas sa kambal na sumpa si Kevin Montemayor at tropa upang ihatid ang VNS One-Alicia sa huling silya sa Final Four kontra sa naroon nang PGJC Navy sa 5th Spikers Turf 2022 Open Conference eliminations ngayong Sabado sa Paco Arena sa Maynila.
Kahit nag-average ang volleyball player ng 13.5 points sa last two games, dehins umubra ang nasa pang-apat na Griffins (2-2) kontra defending champion Cignal at National University-Santa Elena sa straight sets noong Setyembre 8 at Martes.
Pero pupukpukin ni VNS coach Ralph Ocampo sina Montemayor, Kim Malabunga, Ben San Andres, Ron Adviento, Uriel Mendoza at playmaker Ish Polvorosa upang masawata ang may kambal na ragasa at nasa terserang Sea Lions (3-1) para pagsarhan na rin ng pinto sa next round ang ratlong pang kampo.
Alas-2:30 ng hapon ang girian ng Griffins at Sea Lions, na susundan ng alas-5:30 ng hapong pagtutuos ng wala pang dungis at lider na Nationals (4-0) at magbabakasali pa sa semis na Ateneo-Fudgee Barr (1-4).
Inorganisa ng Sports Vision, napapanood ang semi-pro men’s volleyfest sa One Sports, One Sports+ at sa official website https://ift.tt/aL67rZG. (Ramil Cruz)
The post Kevin, VNS asinta semis first appeared on Abante Tonite.
0 Comments