Nanganganib umabot sa cut off ang nag-iisang pambato ng ‘Pinas at ICTSI (International Container Terminal Services, Inc.) na si Bianca Isabel Pagdanganan sa 73rd Ladies Professional Golf Association Tour Leg 25 $1.5M (P85.1M) 50th Amazingcre Portland Classic sa Columbia Edgewater Country Club sa Portland, Oregon.
Pumuwesto lang sa 17-way tie sa 77th place sa opening round Huwebes ang 24-year-old, 5-foot-4 at Quezon City native sa pinalong one-over par 73 sa likod ng isang birdie sa front kontra sa dalawang bogey sa back nine sa 132-player, 72-hole, 4-day event.
Iwan si Pagdanganan ng walong palo sa lider na si Ayako Uehara ng Japan na bumira ng 7-under 65 sa pasiklab na walong birdie at isang bogey para sa isang palong abante kay Hannah Green ng Australia.
Apat ang mga nasa tersera kabilang si reigning world No. 2 Nelly Korda ng host country na may 67. (Ramil Cruz)
The post Bianca peligrong umabante first appeared on Abante Tonite.
0 Comments